Tuesday, May 4, 2010

Cyrus Baguio Trade




Sa di inaasahang pagkakataon, makikita na natin na naglalaro sa Alaska Aces si former UST Tiger star player Cyrus Baguio. Nitong nakalipas na lingo sinabi ni Alaska Head Coach Tim Cone na kinakailangan nila ng mas malaki at mas magaling dumepensang manlalaro at handa nilang ipamalit ang kanilang go-to-guy na si Willie 'the thriller' Miller makuha lamang nila ang ganung manlalaro. Nasa isip na umano nila ang tinaguriang "Skyrus" Baguio ng Barangay Ginebra Gin Kings subalit alam din nila na hindi ito magiging madali na mapa payag nila ang koponan na naghahabol din sa kampeonato. Lingid sa kanilang kaalaman ay naghahanap rin si Cyrus Baguio ng koponan na kung saan ay magkakaroon sya ng mas maraming playing time. Hanggang sa natuloy na nga ang deal at noong nakaraang biyernes Abril atrenta ay isinuot na nga ni Baguio and Alaska jersey at nagkataong ito ay laban pa sa Ginebra. Lumalabas na naging maganda at pabor sa Aces and deal dahil nanalo sila sa labang iyon at si Baguio at naging dahilan. Malaki ang pasasalamat ng Aces sa kanya.

No comments:

Post a Comment