Header Ads

Smart Gilas Team Plus Kelly Williams

Marami man ang di bilib sa kakayahan ng mga Pinoy sa paglalaro ng basketball, sa aking palagay ay malapit na nating makamit muli ang kasikatan sa larangan iyon. Nasaksihan na natin ang mga nina Atoy Co, Jaworski at marami pang iba. Noon tayo ang tinitangala sa Asya bilang mga magagaling na manlalaro ng basketball pero ngayon dahil sa laki at tangkad ng mga Intsik tayo ngayon ay nabalewala. Panahon na upang ito ay ibalik. Ang Smart Gilas Team, na itinatag lamang noong nakalipas na taon na binubuo ng mga manlalaro mula sa UAAP at NCAA. Sinabi ni coach Ryko Toroman na itong mga manlalarong ito ay mayroong mahuhusay na fundamento at marunong ng TeamPlay. Hindi lamang silang magagaling at mga masisipag, marunong din silang maglaro ng International basketball kung saan hindi puro one on one gaya ng ipinakita ng Argentina, Germany at ng US Dream Team. Sinabi rin nyang kailangan pa ng isang malaki at atletikong manlalaro at iyon si Kelly Williams. Subalit dahil si Kelly Williams ay may kontrata pa sa Sta. Lucia Realtors ay hindi pa siya pwedeng suamama sa Gilas.Pero ito ay malapit nang mangyari sa hinaharap.

Ito ang line-up:

Chris Tiu (ADMU)
Mark Barocca (FEU)
Dylan Ababou (UST)
Rey Guevarra(letran)
CJ Giles from Oregon State University 6'7*
Jayvee Casio (DLSU)
Aldrech Ramos(FEU)
JR Cawaling (FEU)
Mark Baracael (FEU)
RJ Jazul (Letran)
Magi Sison (UP)
Greg Slaughter (Univ. of Visayas)6'8*
Jason Ballesteros(San Sebastian)6'9*
Rabeh Al-Hussaini(ADMU)
Junmar Fajardo (Univ. of Cebu)6'8*
Paul Lee (UE)


Here is the Team we love and we're proud of: