Header Ads

Ateneo Lady Eagles Pinagkaguluhan Ng Mga Fans sa Labas ng MOA Arena Noong Sabado: Video at Larawan Dito!




Natalo man ang Ateneo De Manila Lady Eagles sa laban nila noong nakaraang Sabado sa SM Mall of Asia Arena, buo at totoo parin ang pagmamahal ng taumbayan sa kanila.

Matapos ang laban ng Ateneo at La Salle, pumunta ako sa likod ng Mall of Asia Arena. Doon ay namataan ko ang mga fans ng Ateneo na nagaabang sa paglabas ng mga paborito nilang players. Napatango ako at sabay sabi sa aking sarili na totoo talaga ang kasikatan ng mga Lady Eagles.

Kahit talo ang Ateneo sige parin ang sigawan at tilian ng mga Ateneo Fans. Mahal na mahal nila ang Lady Eagles. May sumigaw pa nga ng “We love You Fille!”

Dito sa video makikita natin ang mga Fans ng Ateneo na nakalabas ang kanila mga camera para mapicturan ang kanilang mga paboritong manlalaro.