By Anonymous
Game fixing sa PBA?
Eto ang sample theory ko para sa mga ipokrito na taga subaybay ng liga na katulad mo;
1) Kung may game fixing talaga sa PBA wala ng mag iinvest na team dyan at gagastos ng milyon milyon pampa suweldo sa coach at player nila.
2) Kung may game fixing sana may nagprotesta na sa 6 anim na indipendent teams (ROS, Alaska, Phoenix, Globalport, Kia at Blackwater) na alam natin hindi rin basta basta kumpanya.
3) Tama ka, PBA is all about business and advertising. at sinong tanga kumpanya naman ang maglalabas ng milyon milyon pera para ilustay lang sa bogus na liga? taon ang binibilang ng rookie team bago makakuha ng korona.
4) SMC-MVP groups? aba, di nila kasalanan kung may pambayad sila ng required quota sa PBA. at hindi nila kasalanan kung bakit malalakas ang player nila. bakit? kase matagal na silang namuhunan sa PBA bago nila napalakas ang line up nila.
5) Kumikitang kabuhayan sa referee at kay kume? unang una. di tanga ang board members ng PBA para mag hire ng amatuer referees at players para magbenta ng laro, they are paid professionally for one thing, work ethics and professionalsim. pangalawa, lahat ng multa napupunta s trust fund ng players at hindi sa bulsa ng commisioner. may mga agreements na pinipirmahan both side para legit lahat ng galawan sa liga.
Balik tayo sa anong ko, may game fixing ba sa PBA? kung pakiramdam mo meron walang pumiligil sayo upang hindi tumangkilik ng pangbansang liga. choice mo yan. di ka kawalan sa milyon milyong pilipino na lumaki at kinalakihan ang larong basketball.
Pinalala lang ng maling paniniwala ng mga tao mula umpisa. Nang dahil sa paniniwala na yan nawawalan ng kredibilidad ang liga. ng dahil sa mga katulad mong makitid ang utak sa pang unawa unting unting lulubog ang liga. tanong ko lang, basketball fan ka ba talaga? o isa ka sa sumisira sa liga?
No comments:
Post a Comment